Friday, October 29, 2010

if life is so short (LSS)

That happens to me all the time! What's worse is when it's a song I haven't heard in ages and out of the blue i can't get it out of your head! LOL! (oo na sige na lagi pala akong LSS hehe)

-started during the election day.
-its just that it's also one of my favorite song (na noon e memorize ko pa yung buong lyrics ngyun e dahil sa memory gap chorus na lang) and after so many years... eto ulit!

The same old feeling like i first heard it before :)


Till my heartaches end :* (keep on dreaming!)



"We can change our lives. We can do, have, and be exactly what we want."

ayos! akala ko aabutin pa ng bagong taon ang 2k na bunga ng pag upo este pagtayo din noong nakaraang brgy. election.

(memory gap: kaya estimate lang ang oras)

10:30am
- pagtawid sa ginagawang tulay. (malay ko ba na ginagawa pala) ang siste naka tatlong sakay pa ako papuntang bayan (central school)

11:00am
-haneeep! may kumuha na pala ng 2milyon (este thousand) lang pala.

12:00 noon
-walang kamatayang jollibee! (ang sakit ng mga guro ng Hagonoy)

12:30 pm
-ikot, gala, ikot, lakad...

1:30pm
-Robinsons' Crossing (habang iniintay ang pagdating ni mam regie)
ikot, bili, gala, tingin, lakad, ikot, tingin

2:00pm
-Cabanas (manuod ng Till my Heartache ends) sa wakas hindi na ito drawing...

"Destiny...destiny... at wlang kamatayang Destiny"

-salitang natandaan ko sa pelikula... Hindi din! everything is a matter of Choice pa din...
-sabi nga ng friend ko itago na lang natin sa pangalang manilyn "di pang sine ung movie ano"
oo nga pero sa amin na makapanuod lang ng sine ang trip e pwede ng pagtyagaan...


masaya ang maghapon. (nakakawala pa din talaga ng stress ang mga ganitong lakad)

nakuha ko pang magpagupit pagkatapos. matapos ang paghihirap tama ngang itntreat naman ang sarili...
linyang namana ko na din sa mga co teachers ko... tama nga naman!

BAGONG GUPIT.... BAGONG MOOD :*


"It's choice - not chance - that determines your destiny."

Thursday, October 28, 2010

inhale! exhale!

kagabi habang nababadtrip ako sa internet connection.. napilitan na lang akong makinig ng music sa kwarto.. may kung anong magnet naman ang libro sa ibabaw ng tokador kaya kinuha ko at sinimulan kong buklatin... ingles.. wala ako sa mood magbasa, isa pa mas matanda pa sa akin ito ng dalawang taon.. tsk..  librong di ko na naisoli... at dalawang taon na ata ito sa akin di ko pa din natatapos mabasa..


  interesante naman-- title pa lang.. una dahil mas madalas nasosobrahan ako ng kain ng ampalaya (bitter), at isa pa hindi ko rin maiwasan ang salitang "regrets"... aminado naman ako kahit madalas kong sinasabi sa iba na "may dahilan ang lahat"..

Relax! ..let go... let go... and relax!

sa loob ng isang linggo hindi iyon mayayari ng walang "Jollibee day" (with my past colleagues) isa siguro sa dahilan e di pa din ako maka get over sa mga regrets ko kaya im trying to cope up and filled my week with gladness with them.. (bago na kasi ang school ko ngayun).

pagod na pagod ako sa maghapon.. ikaw ba naman ang parang nakikipag boxing sa animnapu't tatlong bata.. at isa doon ay may katumbas na sampu... nakakapagod, nakakapressure, nakakastress...

sabi sa title ng isang chapter ng libro : " What Makes You Tired - and What You Can Do About It? "
     ang sagot ko :
                              1. Redgie (ang ADHD kong pupil na katumbas e sampu)
                              2. ang trabaho ng isang guro pero dalawang section (combine) ang hawak
                              3. ang 8 lesson plan na binubuno ko araw araw
                              4. (sikret na ito) hehehe 
                              5. etc. (ito na ung mga parang kabuting sumusulpot sulpot sa araw araw)

mababaw ako.. obvious naman.. kung kaibigan kita masasawa ka sa sandamakmak kong bitter lines at magsasawa ka na sa pagtatag ko sa iyo ng mga pictures at link.

tama! hindi naman talaga exhaustion of purely physical origin ang fatigue...but because of boredom, resentment, a feeling of not being appreciated, a feeling of futility, hurry, anxiety, worry - sa madaling salita mental origin....

we get tired because our emotions produce nervous tensions in our body.

"Tension is a habit. Relaxing is a habit. And habits can be broken, good habits formed"

The answer to this nervous fatigue : " Relax! Relax! Learn to relax while you are doing your work!" 
"Relaxation is the absence of all tensions and efforts" "Let go... let go... and relax!"


sana it is easy as that :*





Ang Pagbabalik ni Nanay este mali pala :*

.. habang nasa harap ako ng computer (nakikipagtalo sa maliit kong kapatid na hayok na hayok na ding humawak ng mouse para maglaro ng y3) e naroon ang tita ko sa sala (ligayang ligaya) super fan! (wala tayong magagawa) ni willie revillame...crush ata nya yun heheh :) siguro kundi lang nahihilo yun sa byahe baka isa rin xa sa mga nasa audience hahahah :)


nanay (tawag ko sa tita ko) : baka umpisa na!
maui (bunso kong kapatid : hindi pa maaga pa.. mamaya pa un!
nanay: (..at hindi mapakali kung kaya naman napilitang manuod at magkulong sa kwarto at magtiyaga sa uundap undap naming tv. doon)

makalipas ang 15 mins.

(bumabalik sa sala)

nanay: mainit doon..diyan na lang ako manunuod... malamok pa. (sira kasi ang isang saksakan ng kuryente sa aming kwarto kaya ang siste mamimili ka kung manunuod ka ng tv o magbibintilador)

habang sina mudra at pudra e walang magawa kundi makipanood na din mula umpisa hanggang huli...
at ako mas minabuting magbasa ng libro at humarap sa comp. hahahah...

(pero dahil likas akong mababaw...di ko mapigilang sumilip saglit at makitawa) heheh

Wednesday, October 27, 2010

Red is the ultimate cure for sadness





"Numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it"
                            - JK Rowling

what could have been if we tried?


will DESTINY take the lead?

CHANCE?

or CHOICE?

tula...tula...tulala :)

maaga akong nagising kahapon...

unang una dahil wala ako sa huwisyong magkabisa ng (pesteng) tula na iyon kagabi.
pangalawa (eto na naman ako) gagawin ang mga gwain ng may gawain (redundant)... (sa parteng ito mas ok pa kesa patulain mo ako ng ganito..

isa,
dalawa,
tatlo,
taragis na pagtulang ito... (hahahah lol)

                               ''INYONG ABANG GURO''

                      Maestro, tagahubog, tagapagturo at guro
                      Mga katagang sa amin ay palaging nakaturo
                      Tunkuling sinumpaan, kaalaman ay ituro
                      Sa mga mag aaral, araw araw kahalubilo.

                                                     - excerpt from the poem


naalala ko nung nasa elementary pa ako...(parang kahapon lang hahaha) puro ako ang sinasali ng teacher ko sa pagtula. ako naman si tanga nagpapakamatay umaga hanggang gabi sa pagkakabisa... tuwang tuwa naman ako noon at ako napipili dahil sa wala naman na talagang pagpipilian pa hahaha. at ang nakakatawa ni minsan di naman talaga ako nananalo sa ganun... malay ko sa pagtula, wala na lang talagang choice ang mga teachers ko... hehehe..


... at after almost 14 years aba naman akalain mong tutula uli ako.. nakakatawa. gusto ko na lang pagtawanan ang sarili ko dahil alam ko sa hilatsa ng aking mga balat na wala akong kalaban laban... at isa pa wala akong balak karirin ito at manalo.

pinaglaban ko na magkwento na lang (luka luka kasi ako baka dun pa may pag asa hehe) ..ang sama sa tula pa din ako bumagsak.


                                   "kokokorok ang sabi ng manok" hahahah

....ng nasa harap na ako.. parang may mga stars sa kisame... mga langgam sa harap at katahimikang pumapaimbabaw sa langit (akala ata nila magaling ako hahahahahah lol) hindi naman talaga ako mahiyain (sa panahon ko ngyun) hindi ko lang talaga trip ang pagtula (siguro sabi nga ni mam nherie isipin na lang daw na parang nag qquiz lang e sana nga kung quiz lang heheh... o kaya exam o kaya pasulatin mo na lang ako ng kahit ano) pero gusto ko pa din magpasalamat sa malaking kodigo sa harap na binasa ng lahat ng tumula hahaha...


haaay... natapos din sa wakas.
at ano pa ba ineexpect ko... hahahah (buti na lang)... at maluwalhati ko ng nanamnamin ang nalalabing araw ng munting sembreak.

Tuesday, October 26, 2010

life's like that :*

"Yeds alam mo nanaginip ako. Maganda daw trabaho mo tapos kinuha mo ako dun". "wag mo akong kakalimutan ah". :)

-tandang tanda ko yang sinabi ng classmate ko nung high school.
Sa tagal di ko alam kung anong year kami noon.

-isa xa sa pinakamaganda sa klase. Matangkad, maganda... pero ni minsan di namin xa napilit sumali sa mga contests.. tipikal xang mag aaral.. mahiyain... mabait..

apat na taon kming nagsama di ko man siya naging barkada pero isa xa na sa tuwing makikita at makakausap ako e parang ako na ung taong di nagkakamali (ang totoo napakadami kong pagkakamali)

-nakakagulat lang ang balita :*
-i was stunned...tipong she's too young for that...
.... napaka unpredictable talaga ng buhay
-pero i know may dahilan naman lahat.... she's a fighter.. God will surely help her win this fight...


"Faith makes things possible, not easy. "

brgy. eleksyon 2010

unang experience sa mano-manong eleksyon:
  THIS TIME AKO NA ANG NAGPAPABOTO :*

-di ko alam kung excitement ang tawag sa paggising ng 2:30 am (election day) at magpeysbuk ng ganun kaaga. 


-di ata epektib ang centrum from A-Z lalo ata akong na-lutang (ang dami kong mali sa forms buti to the rescue ang chairman , ano nga ba gagawin ko kung hindi xa chairman ko... Kahit na alam kong kung pwede lang nya kong batukan nung sa bawat pagkakamali ko e binatukan na ko hahahahah...) nakuuuuh baka ngyung umaga sa kulungan ako pinulot ng nanay ko tsk tsk.
 (feeling ko nga mas umepek pa ung A-Z nung bandang 8pm na) susme.

"anu po ang number" 
"pirma po"
"thumb mark"
(at dun pa ba nman nagkakamali pa ko... lutang kung lutang talaga)

- paulit ulit hanggang kulang na lang e irecord ko ang sasabihin ko sa buong maghapon na iyon...
matumal ang paninda ng una...
dumami...
kumonti..
hanggang nagkaubos na.. sa wakas!


isa kami sa pinakaunang nayaring precinct buti walang aberya... 


at isa pa sa kabila ng nagbblink kong ilaw, at inerereklamong C.R. na after 30 mins. bago lumubog ang mga UFO at flying saucers, madulas na sahig dahil sa floor wax, at walang kurtinang bintana hehehe e ok naman... 
- ngyun ko naranasan na madaming pagkain... pagkaing ang nagpiyesta lang e ang mga hinayupak na hantik na nagtatago sa room ko..
(peram ako ng piktyur na to tutal kahawig naman hehe)
-ang galing! di ko alam kung ano ang kapangyarihan ni jun at nalalaman agad kung saan isusuksok ang dapat isuksok,,,at isusulat sa mga dapat isulat... sa aming tatlo xa lang ang nasa wastong pag iisip tsk... buti na lang umepek ng kanyang ininom na vitamins.

KAPE!  
bago umuwi nakuha pa naming magkape sa mini stop. (anu na nangyari sa malaking drawing na cabanas at 10th)? hehehe.... haggard na ang lahat kaya ang sarap atang umuwi at matulog.


 masasabi ko bang sa muling pag upo? parang ayaw ko muna yung isipin.... :*

Thursday, October 21, 2010

Another bed weather :(

I'm not a mind reader, so tell me what you think and what you feel. 
-Lone Yachtsman


> "on hiatus" at hindi pa din nagbabago... Hinahanap ko ang bawat kulay ng rainbow sa umaga.. pero kulang na... red na lang ata ang natira.


:) salamat pa din sa aking mga sponsors  : (sa mga kahit walang salita, walang txt, walang chat nakikinig pa rin (i know) sa mga sentiments, ka-echosan at ka chorvahan ko sa buhay) alam nyo na ang weakness ko...
sabi nga ni roan: "ganyan talaga mga successful sa career bagsak jan" ... (knock on woods...wag naman sana)


mam regie : isang text ko lang tawag ang katapat nyan... :) love lots
mam coy: na kahit sun cel pinapatulan talaga ako :) miss you
mam nherie : titig pa lang yan heheh... wala ng usap usap
roan : "ui"..... and she knows
chay : and she knows as well
al : ang sagot nya "y" as in bakit (ako nagtext) ... pero nagtanung man alam na nya ang kasunod kong sasabihin... hahah




-- mga mind readers ang ilan sa mga friends ko.. di ko alam kung kamag anak ba sila ni madam auring o yung mga psychic na nasa tv. pero siguro likas lang silang magaling...magaling bumasa ng utak..


sabi ni roan : "hay nakakainis yan" ... wala kang magagawa nyan tapusin mo na lang ginagawa mo.
sabi ni bechay : "miss na kita , anu na balita?'' ung iba nyang sinabi sakin na lang not for blogging thing.... at maalala ko bechay nakita ko si ano kahapon ay kagabi pala hahaha! (dahil gabi na ko umuwi may bago pa ba sa ginagabi kong pag uwi) 
sabi ni al : ...... dahil hindi na yan magrereply hahahaha (redundant kasi ako most of the time at xa ang pinaka walang tiyaga.. )


im trying...un nga lang: When a heart is true, there's no need for words; because even in silence, love can be heard. :*




but i know : God is with me, nothing to worry! (power thought)


- sabi ng isa sa knila : pwede ko daw bang iextend ang deadline hanggang January? (kasi December ang ginawa kong deadline (na natandaan ko lang ulit ng binanggit nya kagabi) : sabi ko hindi na yata e Sept. pa lang "yata" cut na... 


-pero at the back of my mind... marami akong queries..."till when nga ba?'' bukas? sa December? next year? o ayaw kong sabihin yung isa ko pang naiisip.... 
-i dont know if i can call it "im ready naman na e" im just patiently waiting lang.... 


WAITING.... and i will always be... (for something that .....) and see wat we will see? cant you see? 


"ON HIATUS"



Wednesday, October 20, 2010

ON HIATUS!

it is a mistake to look to far ahead :*

TOO MUCH
-assuming
-expecting
-thinking
-analyzing


i dont know if im done.... i am just sure that im on HIATUS!


when LOVE is not madness, its not LOVE

Monday, October 18, 2010

HIATUS! and NOW I'M BACK!!!

namis ko ang blog ko (na kahapon lang e tamad na tamad kong i-open) dahil sa dahilang blah blah blah (salamuch ng maraming marami kay roan kagabi! na nkatulugan ko na sa pagrereply)
namis ko ang facebook (ang dami ng nakapost, sumama tuloy pakiramdam ko, dahil sa mga nerve wracking news and messages)
namis ko ang twitter (ang ultimate source ng aking mga messages :)


naka isang taon na ko sa public!!!


-nakakaisang taon na pala.... time flies

Thursday, October 7, 2010

sour-graping *

"a baby fish asked her mother, "why cant we live on earth?"Mother replied, "we cant because earth is not for fish, it is only for selfish".


ano ba ang depinisyon ng pagiging mabait?
kind - goodness ; gentleness

pero hanggang kelan at kanino lang ba dapat maging mabait?

- pag lang ba naapreciate lahat ng efforts?
-kapag hindi sumusobra at umaabuso?
-o sa mga kaibigan lang at hindi sa mga nakikipagkaibigan lang pag may kailangan?

madalas iniisip ko pa din kung nagkamali ba ako sa mga ginawa kong desisyon... pero sour graping pa din..
kaya ang lagi kong sagot may dahilan naman lahat ng nangyayari..

Tuesday, October 5, 2010

salamuch* :)

taking your advice.
looking on the bright side.
and balancing the whole thing. :*


indecisiveness- unsettled state. Doubt concerning two or more possible alternatives or courses of action.
...na sa kabila ng pagiging "reporters' notebuk" attitude ko (ako daw nung college) iilan lang ang seryoso kong natatanong. at nabubulabog ng sandamkmak kong message sa cp., posts, notes at tanung sa chatbox. Sawang sawa na sila sa paulit ulit na kwento at katangahan... "wala na bang iba?" 
        -ber months na.... sa lahat ng dapat kong gagawin na, susubukang gawin wala pang nagmamaterialize. sabi nung iba "GO!" do wat makes you happy "e sus paano?" sabi naman ng iba "wag kang assuming!"
may nagsabi naman "you deserve something better! wag ka ng mag intay"...
    ako na yata ang taong malihim (sa ibang paraan) na hindi kayang tuluyang mailihim ang nararamdaman (kaya nga may confidante).

        sabi ni jungga:  "akala ko di ka na magpapasalamat"... (dahil sa paggawa nya ng aking blog)
     
 “Whenever we are appreciative, we are filled with a sense of well-being and swept up by the feeling of joy.” 

       SALAMAT SA LAHAT! (my confidante, my friends, 39'ers, my colleagues)
   
*“Gratitude is a vaccine, an antitoxin, and an antiseptic.”


Heto na! :*

"Stress is an ignorant state.  It believes that everything is an emergency.  "

-tensyonado ang lahat! (yung tipong para tuloy may Martian na dadating) awkward! at eto ang gripong di marunong makisama.. naiwan pang bukas. madalas talaga susubukan ang tibay ng pisi mo (hussle is everywhere!)
-wala pa kong kopya ng program :* (kaya aun on d spot jackpot emcee emcee-han! )
-puyat (sa ka-woworry at kaeedit ng blog na ito) o di ba! hahaha (hindi talaga regarding school work)
-pinagpalit ang pagbblog kesa gumawa ng bulletin at lesson plan. (ganyan yata talaga ako pag pressured) mas gusto kong wag mag focus! (mas masaya yata un!)

last minute preparation.. (adrenalin rush!)
-kulang na lang dilaan ang mga alikabok at buhusan ng pabango ang kwarto, samahan pa ng pagpapastol sa animnapu at tatlong mga bata na kulang na lang dikitan ko ng epoxy ang bibig, posasan ang kamay at isemento ang puwit sa upuan.

Emsiemsihan :)

Sometimes it seems your ever-increasing list of things to do can leave you feeling totally undone. 

-ang bago kong career! (akalain mo yun!) hahaha lol ... wala lang ata silang choice. kaya ang bagsak ko emcee (kapalan lang ng mukha kaya naman dinaan ko na lang sa fink na fink na blush on, eyelashes at lip gloss) na mukhang napalis lang at napalitan ng pawis sa pag akyat sa pag abot at pagpapalit ng kurtina sa office!
-walang blooper this time! hahahah lol


"ang tangi ko lang namang hiling tumahimik kayo"
- siguro kung nababasa ko lang lahat ng nasa isip ng mga bata ko...siguro parepareho lang na sasabihing
   "wala ka na bang ibang linya mam?"


                                Sometimes a headache is all in our head. RELAX! taaama!

Sunday, October 3, 2010

JUST SAY NO!

Happy Haggard Day! (how ironic!)


"It's easy to make a buck.  It's a lot tougher to make a difference.  "




-ang guro nagsisimula pa din sa Salary Grade 11 (katumbas ng nagsasanay na neophyte na pulis)
-may extension ang classroom.. (sa bahay, at pati na din sa panaginip)
-leche este lesson plan (matamis ba ito?)




WORLD TEACHERS' DAY (daw)


-kelan? saan? paano? hehehe
-traveled the world in 3 hours (for a bunch of roses)
-cramming - expecting martians to come!
-multi tasking (how benevolent!)


sana alam nila na ang kaligayahan ng teacher e mapahinga kahit 1day lang... mas matatawag ko pa yun na teachers' day! 


pero may mas dapat pa ko matutunan ang salitang "no" kung kailangan...


There are still three good reasons to be a teacher - April, May and  December :)