Sunday, August 7, 2011

IM BACK :)

"I'm a dreamer. I have to dream and reach for the stars, and if I miss a star then I grab a handful of clouds. "

WOW! more than 8 months of not updating this blog... this blog missed a lot of things:

-unexpected bliss
-heartbreaks
-sadness
-success
-failures
-new acquaintances
-hates
-joys
-forgiveness
-unconditional love
-faith

pero sabi nga "babalik ka rin" and im definitely BACK! :)

p.s. since yesterday im trying to upload a cute/unique/personality wise template for this blog.. but i failed and i dont know why hahah (maybe i forgot how to anyway,,,,) just to be contented of what this blogger has to offer.... and chaaaaaraaaaan! i ended up choosing this template:

STAR!!!! (despite the lack of color and simplicity)  kailangan ko pa bang iexplain kung bakit ito napili ko..... IF YOU KNOW ME WELL -you'll definitely know the answer :)




God said, Let there be luminaries in the expanse of the heavens to distinguish between the day and the night; and let them be for signs and for stated times, and for days and for years; and let them be for luminaries in the expanse of the heavens to give light upon the earth; and it was so And God made two great luminaries; the greater luminary to rule by day, and the lesser luminary to rule by night; and the stars. And God set them in the expanse of the heavens to give light up on the earth, and to rule in the day and in the night, and to distinguish between the light and the darkness (Gen. 1:14-18; n. 30-38).

Monday, November 1, 2010

CHILDREN'S PARTEE!! :)

CHILDREN'S  PARTY

Venue: Iba (old) Cemetery 
          Iba, Hagonoy, Bulacan
Date: November 1, 2010


ang Undas sa amin parang Children's Party lang sa dami ng bata.. 
sa puntod ng lolo at lola ko sa side ni Mommy kami nag iistay ito ang panahon na ilan sa mga pamangkin ko na dati e bata ngyun karamihan dalaga na (as in dalaga dahil halos puro babae kaya maiingay e) para lang mga palaka sa sementeryo na kulang na lang magreklamo ang mga patay sa ingay e nag uuwian pag ganitong mga panahon.. (sembreak nga kasi)

(di pa nauupload ang mga piktyurs ng mini children's party pero magpopost ako at pormal ko silang ipapakilala)

masaya. maingay. matatakaw (na parang ngyun lang nakakain ng fish cracker, itlog ng pugo, enlins (ung may cheese sa loob, binusa, wafer, juice at marami pang iba) parang picnic lang di ba? saan ka pa...

di makukumpleto ng hindi nagbibilog ng kandila, nag mmall sa buong sementeryo (dahil sa paglilibot) at parang mga kandidato pag may nakikitang kakilala) 

patawarin kami ng katabing nitso (na kung nagsasalita lang e pinagsisipa na ang mga paa namin)

kala ko mapipigilan kami dahil sa ulan pero mabait pa din talaga ang langit (salamat na din kina lolo at lola  :)

hanggang sa uuliting Children's party!
(kulang na lang talaga videoke :) heheh




back to school :* (ready na ba sila? este ako pala?)

yeddahmarie19@facebook.com
tapos na ang sembreak..nakakatawa pero ni isa sa mga plano kong gawain e di ko nagawa...




1. wala pa akong lesson plan (di ko na-update)
2. ung ibang reports (di ko nagawa)
3. ang m.a. requirement ko sa national development wala pa kong nauumpisahan (pero atleast alam ko ang millenium development plan) ok na siguro un para magsimula sa weekend..
4. 2nd grading grades
5. forms
6. pag ayos ng mga copies ko ng reports sa m.a. para sa preparation sa compre. di ko naayos (ung mga kalat ko sa bahay)

kulang na kulang.. (di rin nagkatotoo ang mga drawing na lakad)

1.Baguio (c/o mam che)
2. panunuod sa IMAX
3. mall

siguro nga kulang pero aminado ako na nasobrahan kasi ako sa pahinga at pag aayos ng blog (hehe), pag ne-net at pagbutinting at paghahanap ng kung ano ano sa net...(non sense)

(nakakatamad kasi at isa pa minsan lang ang ganitong pagkakataon) mas masarap kasing mag cram na lang...(ang weird ayaw kong mastress pero gusto kong nag ccram)




sana sa Christmas break ma-feel ko na ang spirit nito (loving..loving..loving heheh)
(kagaya ng sembreak feel na feel ko ang Halloween sa daming pressure at sandamakmak pang gawain pagbabalik ko... atleast nakabawi ako ng pahinga at tulog)


isang buwan na lang naman... malapit na yun! :)

Friday, October 29, 2010

if life is so short (LSS)

That happens to me all the time! What's worse is when it's a song I haven't heard in ages and out of the blue i can't get it out of your head! LOL! (oo na sige na lagi pala akong LSS hehe)

-started during the election day.
-its just that it's also one of my favorite song (na noon e memorize ko pa yung buong lyrics ngyun e dahil sa memory gap chorus na lang) and after so many years... eto ulit!

The same old feeling like i first heard it before :)


Till my heartaches end :* (keep on dreaming!)



"We can change our lives. We can do, have, and be exactly what we want."

ayos! akala ko aabutin pa ng bagong taon ang 2k na bunga ng pag upo este pagtayo din noong nakaraang brgy. election.

(memory gap: kaya estimate lang ang oras)

10:30am
- pagtawid sa ginagawang tulay. (malay ko ba na ginagawa pala) ang siste naka tatlong sakay pa ako papuntang bayan (central school)

11:00am
-haneeep! may kumuha na pala ng 2milyon (este thousand) lang pala.

12:00 noon
-walang kamatayang jollibee! (ang sakit ng mga guro ng Hagonoy)

12:30 pm
-ikot, gala, ikot, lakad...

1:30pm
-Robinsons' Crossing (habang iniintay ang pagdating ni mam regie)
ikot, bili, gala, tingin, lakad, ikot, tingin

2:00pm
-Cabanas (manuod ng Till my Heartache ends) sa wakas hindi na ito drawing...

"Destiny...destiny... at wlang kamatayang Destiny"

-salitang natandaan ko sa pelikula... Hindi din! everything is a matter of Choice pa din...
-sabi nga ng friend ko itago na lang natin sa pangalang manilyn "di pang sine ung movie ano"
oo nga pero sa amin na makapanuod lang ng sine ang trip e pwede ng pagtyagaan...


masaya ang maghapon. (nakakawala pa din talaga ng stress ang mga ganitong lakad)

nakuha ko pang magpagupit pagkatapos. matapos ang paghihirap tama ngang itntreat naman ang sarili...
linyang namana ko na din sa mga co teachers ko... tama nga naman!

BAGONG GUPIT.... BAGONG MOOD :*


"It's choice - not chance - that determines your destiny."

Thursday, October 28, 2010

inhale! exhale!

kagabi habang nababadtrip ako sa internet connection.. napilitan na lang akong makinig ng music sa kwarto.. may kung anong magnet naman ang libro sa ibabaw ng tokador kaya kinuha ko at sinimulan kong buklatin... ingles.. wala ako sa mood magbasa, isa pa mas matanda pa sa akin ito ng dalawang taon.. tsk..  librong di ko na naisoli... at dalawang taon na ata ito sa akin di ko pa din natatapos mabasa..


  interesante naman-- title pa lang.. una dahil mas madalas nasosobrahan ako ng kain ng ampalaya (bitter), at isa pa hindi ko rin maiwasan ang salitang "regrets"... aminado naman ako kahit madalas kong sinasabi sa iba na "may dahilan ang lahat"..

Relax! ..let go... let go... and relax!

sa loob ng isang linggo hindi iyon mayayari ng walang "Jollibee day" (with my past colleagues) isa siguro sa dahilan e di pa din ako maka get over sa mga regrets ko kaya im trying to cope up and filled my week with gladness with them.. (bago na kasi ang school ko ngayun).

pagod na pagod ako sa maghapon.. ikaw ba naman ang parang nakikipag boxing sa animnapu't tatlong bata.. at isa doon ay may katumbas na sampu... nakakapagod, nakakapressure, nakakastress...

sabi sa title ng isang chapter ng libro : " What Makes You Tired - and What You Can Do About It? "
     ang sagot ko :
                              1. Redgie (ang ADHD kong pupil na katumbas e sampu)
                              2. ang trabaho ng isang guro pero dalawang section (combine) ang hawak
                              3. ang 8 lesson plan na binubuno ko araw araw
                              4. (sikret na ito) hehehe 
                              5. etc. (ito na ung mga parang kabuting sumusulpot sulpot sa araw araw)

mababaw ako.. obvious naman.. kung kaibigan kita masasawa ka sa sandamakmak kong bitter lines at magsasawa ka na sa pagtatag ko sa iyo ng mga pictures at link.

tama! hindi naman talaga exhaustion of purely physical origin ang fatigue...but because of boredom, resentment, a feeling of not being appreciated, a feeling of futility, hurry, anxiety, worry - sa madaling salita mental origin....

we get tired because our emotions produce nervous tensions in our body.

"Tension is a habit. Relaxing is a habit. And habits can be broken, good habits formed"

The answer to this nervous fatigue : " Relax! Relax! Learn to relax while you are doing your work!" 
"Relaxation is the absence of all tensions and efforts" "Let go... let go... and relax!"


sana it is easy as that :*





Ang Pagbabalik ni Nanay este mali pala :*

.. habang nasa harap ako ng computer (nakikipagtalo sa maliit kong kapatid na hayok na hayok na ding humawak ng mouse para maglaro ng y3) e naroon ang tita ko sa sala (ligayang ligaya) super fan! (wala tayong magagawa) ni willie revillame...crush ata nya yun heheh :) siguro kundi lang nahihilo yun sa byahe baka isa rin xa sa mga nasa audience hahahah :)


nanay (tawag ko sa tita ko) : baka umpisa na!
maui (bunso kong kapatid : hindi pa maaga pa.. mamaya pa un!
nanay: (..at hindi mapakali kung kaya naman napilitang manuod at magkulong sa kwarto at magtiyaga sa uundap undap naming tv. doon)

makalipas ang 15 mins.

(bumabalik sa sala)

nanay: mainit doon..diyan na lang ako manunuod... malamok pa. (sira kasi ang isang saksakan ng kuryente sa aming kwarto kaya ang siste mamimili ka kung manunuod ka ng tv o magbibintilador)

habang sina mudra at pudra e walang magawa kundi makipanood na din mula umpisa hanggang huli...
at ako mas minabuting magbasa ng libro at humarap sa comp. hahahah...

(pero dahil likas akong mababaw...di ko mapigilang sumilip saglit at makitawa) heheh